Tuesday, April 27, 2010

Phil.

Sa dalawang buwan, hinde, simula palang ng January puro tungkol kagad sa election ang naririnig ko. As in, aakalain mo na ngang fiesta sa isang barangay pero puro banner o poster ng isang politician pala ang nakasabit. Ngayong matanda na ako, naiintindihan ko na ang punto nitong shit na toh.

Nakakairita ang mga panahon na ito, kahit ngayon ko lang napapansin. Nakaranas na rin ako ng panahon ng election pero ngayon ko lang pinuna na nakakairita siya. Maingay, magulo, puro kwento, puro commercial, puro jingle, puro kanta, puro convoy, puro shaking hands, puro bigay ng gamit na may pangalan o pagmumukha nila at gawa sa cheap na materyal.

Ayokong ayokong ang mga commercial ng mga presidential candidates sa TV, puro pakitang gilas, pinapakita kung anong magandang ginawa nila o something impressive or anu man. Tapos may halo pang jingle, yung tugtog na amazingly, gawa ng campaigning team nila; ang catchy, nakaka-LSS. Pero sobrang baduy, ang jologs. Pero impress ako sa campaigning team nila kasi dahil napapa-LSS ka, naalala mo sila. Kaso sakin hindi ganoon. Bakit hindi nila punahin ang masasamang ginawa nila? Pakita nila yung candy na ninakaw nila sa bata, o kaya ang patagong pagtapon ng basura sa daan, o kaya naman ang pag-ihi nila ng simple sa isang poste. Hindi ko naman pwedeng sabihin punahin lang ang masamang side ng mga candidate, dahil magiging inconsistent naman ang kaya nilang magandang gawin. Siguro yun na nga ang sagot sa sarili kong tanong kung bakit puro magagandang bagay ang inaadvertise at hindi panget; mas titignan mo ang makaka-benefit para sa bansa, pero gusto bang mamuna ay effective pero candy-stealing na candidate?

Hindi pa ako boboto, wala pa ako sa legal age, pero sa totoo lang, wala akong kaalam-alam tungkol sa politics, masyadong complikado. Para siyang laro ng pato, pero maraming maraming batas/rules/ka-ek-ekan. Hindi ko alam bakit maraming ka-complikaduhan ang mga bagay na nagpapaandar sa mundo, ang daming pasikot-sikot.

Eto ang listahan ng mga presidential candidates at ang aking opinion.

1. Benigno Aquino - Noob. Wala akong masyadong narinig tungkol sa kanya except kapatid siya ni Kris Aquino, at Baby James Noynoy!
2. Eddie Villanueva - Nagdududa sa kapabilidad na maging lider, religious leader namin ito sa JIL Churches. Pero kahit religious leader siya, may pagkakaiba parin sa pagiging political leader.
3. Gilbert Teodoro - Teka, tatakbo to?
4. Jamby Madrigal - Hula ko lang, pero para siyang politically at mentally retarded pag nakikita ko siya sa TV.
5. JC Delos Reyes - Ni-wikipedia ko to, hindi ko kilala sino toh, base rin sa wikipedia, pamangking ito ni Gordon, wtf.
6. Joseph Estrada - Kilala niyo to, tawag ko dito "The People's President" ewan ko bakit.
7. Manny Villar - Walang masabi, panuorin niyo nalang yung mga pinalabas ng lintek na to sa TV.
8. Nicanor Perlas - Akala ko babae, puchang pangalan yan, isa rin sa mga di ko kilala.
9. Richard Gordon - DICK Gordon, pangalan palang, asteeg na.
10. Vetallano Acosta - Sino ka.

Anyways, sana maganda ang ikalabasan ng election, may maging presidente, maaus sana yung bansa, ang tigilan na ang pang-gagago sa malungkot sa bansang to.
Pero sana talaga magkaron ng parang terrorist attack sa election, asteeg nun.

Monday, April 26, 2010

Island

Sa dalawang linggo nakakalipas, nanunuod ako ng Survivor. Micronesia, Tocantins, at Cook Islands ang mga napapanood ko sa buong series ng Survivor.

Aaminin ko, nagagandahan ako. Ang laro talaga dito ay parang social interaction. Factor din ang mga physical challenges, pero major talaga ang pakikipag-socialize ng mga "survivor" sa isa't isa. Sila ang nag-revolutionize sa "social warfare", kaso hindi siguro gagamitin itong conceptong ito sa mga future na gera; walang gustong umupo at makipaglandian kung sinung gustong sumuko o magpa-baril sa mukha.

Kaso naisip ko, wala talaga ang real definition ng pagiging "survivor". Puwede ngang ilagay nalang sila sa isang apartment building, walang trabaho, walang pera, tas yun, lalabas sila para kumuha ng trabaho tapos magdadala ng pera doon sa apartment. Tapos parang ganoon na nga. Survivor sila, socially. Kaya naiisipan ko ang realistic setting at gameplay ng "Survivor: Realism"

- Ang setting ay isla, maganda na ang isla, kasi isolated na. Kung may magtatry na tumakas, may mga gunboats na nagbabantay para pagbabarilin sila.
- Hindi formal ang pagdating nila doon, idedeliver sila sa loob ng isla randomly at walang malay, dala-dala lang ay ilang damit, lahat ng ibang gamit nila sa isla makukuha. 20 players nga pala.
- Walang tribe-tribe. Bahala ang isa't isa sa mga alliance o samahan.
- Walang botohan/tribal council o jury o anu man un.
- May twist. Randomly, may grupo ng mga natives na biglang aambushin ang mga player, as in totoong huhuntingin sila. Ma-deads, out.
- Un nga pala, death ay isa sa mga possibilidad ng pagiging talo.
- Lahat ng gamit sa isla pwede, kung makahanap sila ng rebolber, good, makakatagal sila against sa mga random ambush if ever mangyari sakanila.
- Puwedeng magpatayan, simula sa pagumpisa nila sa isla, lahat ng players ay magkakaron ng lisensyang pumatay parang si James Bond. License to Kill bitches.
- Physical Challenges, tatawagin lahat ng survivor para magparticipate, kung gusto nila o hinde, pwedeng umayaw. Ang purpose lang nito ay bigyan ang mga players ang slight chance ng survival, example ay bibigyan sila ng disenteng pagkain o gamit.
- Tatagal ang laro hanggang isa nalang ang matitira, as in Sudden Death, Last man standing. Walang limitation ng days, hanggang may buhay, tuloy ang laro.
- Puwedeng umayaw, pero lang kung mamamatay na sila.

Yan palang ang naiisip ko so far, pero balak kung dagdagan ito, at hopefully, may makabasa at mainteresado sa concepto ko at gawin ngang totoong palabas.