Sunday, December 27, 2009

Pasko

Eto na, ang araw ng mga araw, ang pinakamahalagang araw sa lahat ng araw, sobrang init nito kahit malamig ang panahon, araw eh.. Pasko, or Christmas, or X-mas, or Feast Day ni Saint Anastasia, or Constitution Day ng Taiwan, or Malkh Festival ng mga Nakh people, Chechenya and Ingushetia noong pagan pa sila, or Quaid-e-Azam's Day sa Pakistan, panahon din ito nung kinoronohan si Charlemagne bilang Emperor ng Carolingian Empire na magiging Holy Roman Empire at si William the Conqueror na naging hari naman ng England. Kaya dapat pag-December 25, todo celebration, daming nangyari noong araw na toh eh, pero focus lang tayo sa pasko, pasko ng mga pinoy.

Ito ang panahon na pinanganak ang pinaka-importanteng tao sa buong mundo, base sa paniniwala ng nakakarami, si Jesus Christ, ang anak ng Diyos at ang ating, base sa opinion ko, panginoon, at siguro kuya na rin. At simula na doon pagkalipas ng maraming panahon, konting budbod ng Catholicism, Pagan, at ibang viewpoint ng mga tao sa isang religion, etong araw ang bumunga.

Sa araw na ito, kahit saang bansa ka pa siguro, ang iisipin mo lang ay ang sarili mo at ang iba, tama na ang gulo at mga iba't ibang opinion at pagdedebate, mga away at gera. Sa isang araw na ito, na nangyayari once a year lang, lahat bate, ata. Ewan ko, siguro may iba diyan nagaaway parin kahit pasko. Nakakabwisit nga yun eh, bati muna daw lahat dahil lang sa araw na ito, eh kung ayaw, lintek. Hindi ganoon ang buhay, kung gulo, gulo. Away, away. Walang hindi hindi, walang peace peace. Ang nakakapagiba lang ng sitwasyon ng gulo at away ay mga xmas jingle na nasa tv, yung mga commercial, ang catchy kasi, kaya napapatigil ka tuloy.

Besides sa bati-bati rule, yung susunod ay giving gifts. Hindi ko alam saan nagoriginate ang pagbibigay ng regalo, baka kay Charlemagne, nung binigay nung pope sa kanya yung corona. Parang ganoon, ewan ko. Pero ang alam ko, dito makapal ang tinta ng kasabihang, "It's better to give than to receive." Kaya lang nila nasabi yan para lang makapagbigay ang isa't isa ng gift, kasi kung ginawang "It's better to receive than to give." Mabuti pang wala nalang regalo, kasi walang magbibigayan.

Dito rin nagkakasaysay ang Ninong at Ninang niyo, if nga lang, bata pa kayo, buti nalang ako, pwede parin, kaya may idoy (pera) ako noong pasko. Sa mga filipino, pagpasko, dito yung time na lahat ng tao, bihis; maayos, malaswa, maganda, maikli, sexy, formal, pangpatay, barong, bahag o kaya nakahubad. Tas pupunta sa mga bahay-bahay ng ninong at ninang at manlilim- manghihingi pala ng per- pamasko. Dito christmas bonus ng mga bata, at income naman tawag kapag teenager ka.

Besides diyan, marami pang stereotyphic things na madalas sa pasko ng pinoy. Ililista ko.
  • Parol
  • Kung poor = Pancit/ Kung mayaman = Spaghetti
  • Hamon/Ham
  • Keso de Bola
  • Ilaw, as in, sobrang daming ilaw, kahit ano basta may ilaw. Na pangdedecorate
  • Isang katumbak na decoration
  • Theme na may poor family na nagdudusa during pasko
  • Theme na may rich family na nagkakatuwaan kasama ang buong ankan nagpapakataba at mamamatay makasalanan.
  • Simbang Gabi
Naalala ko tuloy ang Simbang Gabi. Ang Simbang Gabi ay ginagawa ng mga pinoy kapag "wala ng araw" ang common ay siguro mula 8 to 12, pero iba madaling araw na. Hindi ko alam bakit Gabi parin tawag nila, dapat Simbang Madaling Araw, maraming taong may common sense siguro napansin toh, ganoon lang siguro ka-ignorant mga pinoy. Isa pa doon, pormahan night lang naman ito, hindi naman talaga nakikinig ang mga teenager na umaatin, hindi nila alam kung anong tinuturo at ang purpose ng pagpunta. Pumunta lang para pumorma, mga langya.

Naging maayos naman pasko ko, tambay lang sa bahay, magpakabusog at magkaron ng pera. Hindi na ko tumatanggap ng gifts, old school na yun, at matanda na ko, kaya mas maayos pagpera, kasi alam ko na halaga ng kapangyarihan.

Monday, December 14, 2009

Fire.

So, kaninang uwian, lumabas kagad ako at hindi na hinintay kung sino man dat hintayin, at naghintay sa gilid ng daan para sa parating na jeep, pero na pansin ko walang dumadaan; blank na blank, puro mga poor na sidecar drayber at mga kotseng pang dekorasyon lang ang nasa daan. Mea-mea, narinig kong yung tunog ng sirena, hindi, hindi yung isda.

"WAAANNGG-WAAANNGG-WWAAANNGG"

Lahat ng sasakyang meh sirena ay legal na mag-speeding, at mag-drive through sa daan, kasi pag ganun, may authority ka. Ang sirena ay symbol ng authority, at pagiging mas mataas sa ibang tao, pwede mo nga silang sipain, wala silang angal, kasi alam nilang sisipain mo ulit sila.

Yung humaharurot, at mayabang, na trak ng bumbero ay mabilis na dumaan sa daan. Walang trapik kea dirediretsyo, "Tsk, hari ng daan." isip ko. Pagkatingin ko kung saan patungo yung trak eh may nakita akong itim na usok.. samin pala un. Madali akong sumakay ng jeep, hindi na ko naghintay kung matao or meh pwesto sa harap, sumakay kagad ako pauwi.

Unang pagkakita ko dun sa usok ay akala ko siguro ilang dun sa samin na hindi naman ganoonng kalapit; kabilang kanto lang pala ng bahay ko yung sunog, sobrang lapit, tapos dikit-dikit pa ung mga bahay at gawa sa kahoy. Magiging fire spree yun, sasayaw-sayaw ang mga apoy ng masaya na akala mo lahat ng holiday ay pinagsama-sama at tinawag na All Holiday Holiday habang dahang dahang sinusunog ang lahat ng sinasayawan nila. Nang nakaabot ako samin ay bumaba kagad ako kahit wala pa ako sa harap ng street namin; sa dami ng trak ng bumbero at taong mga chismoso at mga chismosa't nakaharang, struggling mga jeep, chaka nagmamadali ako.

Ang daming taong nakaharang, hindi ko alam bakit pa sila humaharang, reasonable naman kung nakaharang mga bumbero, nagtatrabaho sila, pero ang daming taong nakaharang na nakatayo lang naman, ineexpect ata nilang may masunog, mga sadista.. habang dumadaan sa street papuntang samin, nakasalubong ako ng mga taong papunta kung saan ako galing. Mga nagsisi-takas sa danger, ang dami nilang dala, upuan, damit, electric fan, kabinet, "safety box" (caha-de-oro), computer, lcd, piraso ng kahoy, printer, sabon, walet, refrigerator, kaldero, lutuan, mga laruang lutuan, mga laruang laruan, sopa, sopas, at marami pang ibang hindi ko maiilalathala kasi common items sila. Sa pag-lakad ko ay may hose akong kasunod, or "supply line" kung tawagin ng mga bumbero. Pagkarating sa pinto ay nakalabas na kagad ang silver kong susing kumikintab-kintab pa, at nakita kong nakabihis nanay ko at nakatali ang tuta naming walang hiya sa tabi pinto. Commonly kasi, ang nanay ko pag may sunog, ang mga gamit na takbo niya kagad ay bag puno ng alahas, pera, at mga iba pang related, siguro konting damit, kasi lagi niang sinasabing hindi maliligtas lahat ng bagay, bibili nalang ulit, mayaman naman. Nagpalit kagad ng damit at nag-boxers lang, pumunta ako sa kusina at kumain ng tinapay at hotdog habang nagkwento nanay ko.

Sa pagkarinig daw sa sigaw na sunog, madaling naghubo at nagbihis tatay ko at lumabas. Nanay ko kinuha mga gamit niya at dumating daw tito ko at nagsisigaw sa nanay ko na may sunog at nagtawag na daw siya ng bumbero, sabi pa nga raw niya ay sinigawan niya tito ko na tumigil siya sa pagmumukhang superhero.. Tapos parang tenor at bass, yung mga tao daw sa labas ay paiba-iba ng tinig ng sigaw. "Wala na!" "AYAN NA ANG LAKI!" "Wala na ulet!" "AY SHI- LUMALAKI" "AY TAE YAN ITIM NA USOK, ALIS ALIS!" "AAAARRRGGHHH" (accurate po itong depiction ko)

Nakakalula daw ang mga sigaw ng mga tao, at alam ko yun, kasi ang mga bunganga ng mga tao dito samin ay kakaiba, ang bulong ay sigaw, at sigaw ay pagsasalita lamang, magaabot nalang ng tabo sa banyo ay sinisigaw pa, "BOTCHOK! YUNG TABO NGA KUNIN MO SA BATCHA! TAPOS NA KONG TUMAE!" Ang pinakasimpleng salita na pagpapaalam o kaya naman pagsesermon ay nagiging competition kung sino makakasigaw ng pinakamalakas, at oo, kahit batang maliit kasama, minsan mas malakas pa nga eh.

Sa huli, nawala rin ang sunog, nagkalat ang mga chismis at pabida, at ako'y nasa kwarto natutulog. Sayang nga hindi na tuloy. Wala sana akong pasok nun.