Naglagay na ako ng bagong layout para sa blog na ito.
Proud ako kasi inabot ako hanggang 2:00 ng umaga para lang maayos to, hindi pa nga tapos eh.
Pakshet.
Hindi ako gumising ng maaga, talagang gising pa ako mula kanina, at hindi, hindi ako nagpuyat para lang dito sa lintek na blog na ito, nagpuyat ako para dito. Hinintay ko ng isang week ito, ISANG WEEK, tapos kaylang i-iinstall ko na, sinabi pa sakin na baka umabot ng APAT(4) na ORAS. Sobrang daming mali ngayong gabi, sa sobrang atat ko kasi, na simulan ko na yung installation, eto ngayon ako, hinintay matapos, madaling araw na, sinong tao ang gising nang ganito oras para mga-install lang ng lintek na laro sa kompyuter?! Alam ko yung mga matatandang 20-years old and above, naninirahan sa ilalim ng basement ng kanilang mga nanghihingalong mga ina, pero sino pa?! Ala na diba? Para tuloy akong nakikisali sa mga basement dwellers na yoon, ako pa ang nagmumukhang kakawa ngayon, saling kawawa. Dapat tulog ako ngayon, pinapanaginipan na isa akong super hero, o hero lang, o kaya isang maarteng koreanobela-like na kwento na hindi ko alam bakit ko napapaginipan, o kaya naman sinisipa ang mga katabi ko sa kama sa mukha. Pero hindi, nandito ako ngayon, nagmamaktol, naghihitay, masakit ulo, antok, need ng mag labas ng bowels at mag discharge ng food-colored water.
Sana lang ay worth itong sakripisyong ginagawa ko, sana makakabuti ito sa sang katahuan.
Saturday, May 30, 2009
Friday, May 29, 2009
FIRST POST!!1
Yes, first post, on Friday ng May 29, 2009. Isang week bago ang pasukan, ng public. Ang private naman next, NEXT week pa, may two weeks pa ako. EDIT: At napansin ko, late ng one day yung website, astig talaga sa Pinas kasi kami nag-tataymtrabel.
Hindi ko alam kung kakatuwa ko to dahil magkakaroon ulit ng purpose ang pamumuhay ko, or malulungkot kasi pasukan na. Lahat naman tayo ayaw mag-aral, isa na ako roon, nakakatamad kasi, lalo na tamad na tao ako. Pero sabi ko sa sarili ko, "try" kong magsikap nitong last year na ito sa high school.
Next year ay Senior na ako sa high school, pag sinasabi ko yung word na "senior" na iisip ko pagtanda, paglake, at pagkakaroon ng isang mayamang pamilya at isa akong Don.
Ganito lagi pag-summer, sa umpisa ay nakakatuwa, pag dating na sa dulo, magulo na. Kasi wala ng magawa, boring na. Ginawa ko lang for 2 and a half month ay umupo sa harap ng computer, or iligaw ang sarili sa labas, or magbilang ng isang kilong bigas, isa-isa.
Naisip kong i-Google ang "indie games" at napadpad ako dito, specifically dito. Kaninang hapon ko pa nilalaro, panget graphics, di next gen, pero simple at enjoying. Natutuwa na akong nagliligatas ako ng mga taong MS-Paint drawn, at umiiwas sa mga lumilipad na itim na linya.

Subscribe to:
Posts (Atom)