Sunday, December 27, 2009

Pasko

Eto na, ang araw ng mga araw, ang pinakamahalagang araw sa lahat ng araw, sobrang init nito kahit malamig ang panahon, araw eh.. Pasko, or Christmas, or X-mas, or Feast Day ni Saint Anastasia, or Constitution Day ng Taiwan, or Malkh Festival ng mga Nakh people, Chechenya and Ingushetia noong pagan pa sila, or Quaid-e-Azam's Day sa Pakistan, panahon din ito nung kinoronohan si Charlemagne bilang Emperor ng Carolingian Empire na magiging Holy Roman Empire at si William the Conqueror na naging hari naman ng England. Kaya dapat pag-December 25, todo celebration, daming nangyari noong araw na toh eh, pero focus lang tayo sa pasko, pasko ng mga pinoy.

Ito ang panahon na pinanganak ang pinaka-importanteng tao sa buong mundo, base sa paniniwala ng nakakarami, si Jesus Christ, ang anak ng Diyos at ang ating, base sa opinion ko, panginoon, at siguro kuya na rin. At simula na doon pagkalipas ng maraming panahon, konting budbod ng Catholicism, Pagan, at ibang viewpoint ng mga tao sa isang religion, etong araw ang bumunga.

Sa araw na ito, kahit saang bansa ka pa siguro, ang iisipin mo lang ay ang sarili mo at ang iba, tama na ang gulo at mga iba't ibang opinion at pagdedebate, mga away at gera. Sa isang araw na ito, na nangyayari once a year lang, lahat bate, ata. Ewan ko, siguro may iba diyan nagaaway parin kahit pasko. Nakakabwisit nga yun eh, bati muna daw lahat dahil lang sa araw na ito, eh kung ayaw, lintek. Hindi ganoon ang buhay, kung gulo, gulo. Away, away. Walang hindi hindi, walang peace peace. Ang nakakapagiba lang ng sitwasyon ng gulo at away ay mga xmas jingle na nasa tv, yung mga commercial, ang catchy kasi, kaya napapatigil ka tuloy.

Besides sa bati-bati rule, yung susunod ay giving gifts. Hindi ko alam saan nagoriginate ang pagbibigay ng regalo, baka kay Charlemagne, nung binigay nung pope sa kanya yung corona. Parang ganoon, ewan ko. Pero ang alam ko, dito makapal ang tinta ng kasabihang, "It's better to give than to receive." Kaya lang nila nasabi yan para lang makapagbigay ang isa't isa ng gift, kasi kung ginawang "It's better to receive than to give." Mabuti pang wala nalang regalo, kasi walang magbibigayan.

Dito rin nagkakasaysay ang Ninong at Ninang niyo, if nga lang, bata pa kayo, buti nalang ako, pwede parin, kaya may idoy (pera) ako noong pasko. Sa mga filipino, pagpasko, dito yung time na lahat ng tao, bihis; maayos, malaswa, maganda, maikli, sexy, formal, pangpatay, barong, bahag o kaya nakahubad. Tas pupunta sa mga bahay-bahay ng ninong at ninang at manlilim- manghihingi pala ng per- pamasko. Dito christmas bonus ng mga bata, at income naman tawag kapag teenager ka.

Besides diyan, marami pang stereotyphic things na madalas sa pasko ng pinoy. Ililista ko.
  • Parol
  • Kung poor = Pancit/ Kung mayaman = Spaghetti
  • Hamon/Ham
  • Keso de Bola
  • Ilaw, as in, sobrang daming ilaw, kahit ano basta may ilaw. Na pangdedecorate
  • Isang katumbak na decoration
  • Theme na may poor family na nagdudusa during pasko
  • Theme na may rich family na nagkakatuwaan kasama ang buong ankan nagpapakataba at mamamatay makasalanan.
  • Simbang Gabi
Naalala ko tuloy ang Simbang Gabi. Ang Simbang Gabi ay ginagawa ng mga pinoy kapag "wala ng araw" ang common ay siguro mula 8 to 12, pero iba madaling araw na. Hindi ko alam bakit Gabi parin tawag nila, dapat Simbang Madaling Araw, maraming taong may common sense siguro napansin toh, ganoon lang siguro ka-ignorant mga pinoy. Isa pa doon, pormahan night lang naman ito, hindi naman talaga nakikinig ang mga teenager na umaatin, hindi nila alam kung anong tinuturo at ang purpose ng pagpunta. Pumunta lang para pumorma, mga langya.

Naging maayos naman pasko ko, tambay lang sa bahay, magpakabusog at magkaron ng pera. Hindi na ko tumatanggap ng gifts, old school na yun, at matanda na ko, kaya mas maayos pagpera, kasi alam ko na halaga ng kapangyarihan.

Monday, December 14, 2009

Fire.

So, kaninang uwian, lumabas kagad ako at hindi na hinintay kung sino man dat hintayin, at naghintay sa gilid ng daan para sa parating na jeep, pero na pansin ko walang dumadaan; blank na blank, puro mga poor na sidecar drayber at mga kotseng pang dekorasyon lang ang nasa daan. Mea-mea, narinig kong yung tunog ng sirena, hindi, hindi yung isda.

"WAAANNGG-WAAANNGG-WWAAANNGG"

Lahat ng sasakyang meh sirena ay legal na mag-speeding, at mag-drive through sa daan, kasi pag ganun, may authority ka. Ang sirena ay symbol ng authority, at pagiging mas mataas sa ibang tao, pwede mo nga silang sipain, wala silang angal, kasi alam nilang sisipain mo ulit sila.

Yung humaharurot, at mayabang, na trak ng bumbero ay mabilis na dumaan sa daan. Walang trapik kea dirediretsyo, "Tsk, hari ng daan." isip ko. Pagkatingin ko kung saan patungo yung trak eh may nakita akong itim na usok.. samin pala un. Madali akong sumakay ng jeep, hindi na ko naghintay kung matao or meh pwesto sa harap, sumakay kagad ako pauwi.

Unang pagkakita ko dun sa usok ay akala ko siguro ilang dun sa samin na hindi naman ganoonng kalapit; kabilang kanto lang pala ng bahay ko yung sunog, sobrang lapit, tapos dikit-dikit pa ung mga bahay at gawa sa kahoy. Magiging fire spree yun, sasayaw-sayaw ang mga apoy ng masaya na akala mo lahat ng holiday ay pinagsama-sama at tinawag na All Holiday Holiday habang dahang dahang sinusunog ang lahat ng sinasayawan nila. Nang nakaabot ako samin ay bumaba kagad ako kahit wala pa ako sa harap ng street namin; sa dami ng trak ng bumbero at taong mga chismoso at mga chismosa't nakaharang, struggling mga jeep, chaka nagmamadali ako.

Ang daming taong nakaharang, hindi ko alam bakit pa sila humaharang, reasonable naman kung nakaharang mga bumbero, nagtatrabaho sila, pero ang daming taong nakaharang na nakatayo lang naman, ineexpect ata nilang may masunog, mga sadista.. habang dumadaan sa street papuntang samin, nakasalubong ako ng mga taong papunta kung saan ako galing. Mga nagsisi-takas sa danger, ang dami nilang dala, upuan, damit, electric fan, kabinet, "safety box" (caha-de-oro), computer, lcd, piraso ng kahoy, printer, sabon, walet, refrigerator, kaldero, lutuan, mga laruang lutuan, mga laruang laruan, sopa, sopas, at marami pang ibang hindi ko maiilalathala kasi common items sila. Sa pag-lakad ko ay may hose akong kasunod, or "supply line" kung tawagin ng mga bumbero. Pagkarating sa pinto ay nakalabas na kagad ang silver kong susing kumikintab-kintab pa, at nakita kong nakabihis nanay ko at nakatali ang tuta naming walang hiya sa tabi pinto. Commonly kasi, ang nanay ko pag may sunog, ang mga gamit na takbo niya kagad ay bag puno ng alahas, pera, at mga iba pang related, siguro konting damit, kasi lagi niang sinasabing hindi maliligtas lahat ng bagay, bibili nalang ulit, mayaman naman. Nagpalit kagad ng damit at nag-boxers lang, pumunta ako sa kusina at kumain ng tinapay at hotdog habang nagkwento nanay ko.

Sa pagkarinig daw sa sigaw na sunog, madaling naghubo at nagbihis tatay ko at lumabas. Nanay ko kinuha mga gamit niya at dumating daw tito ko at nagsisigaw sa nanay ko na may sunog at nagtawag na daw siya ng bumbero, sabi pa nga raw niya ay sinigawan niya tito ko na tumigil siya sa pagmumukhang superhero.. Tapos parang tenor at bass, yung mga tao daw sa labas ay paiba-iba ng tinig ng sigaw. "Wala na!" "AYAN NA ANG LAKI!" "Wala na ulet!" "AY SHI- LUMALAKI" "AY TAE YAN ITIM NA USOK, ALIS ALIS!" "AAAARRRGGHHH" (accurate po itong depiction ko)

Nakakalula daw ang mga sigaw ng mga tao, at alam ko yun, kasi ang mga bunganga ng mga tao dito samin ay kakaiba, ang bulong ay sigaw, at sigaw ay pagsasalita lamang, magaabot nalang ng tabo sa banyo ay sinisigaw pa, "BOTCHOK! YUNG TABO NGA KUNIN MO SA BATCHA! TAPOS NA KONG TUMAE!" Ang pinakasimpleng salita na pagpapaalam o kaya naman pagsesermon ay nagiging competition kung sino makakasigaw ng pinakamalakas, at oo, kahit batang maliit kasama, minsan mas malakas pa nga eh.

Sa huli, nawala rin ang sunog, nagkalat ang mga chismis at pabida, at ako'y nasa kwarto natutulog. Sayang nga hindi na tuloy. Wala sana akong pasok nun.

Monday, November 9, 2009

Bored.

Aun oh, bumalik ako para lagyan ng Cbox, kahit walang kwenta naman din, sino bang gagamit niyan? Kung baga binigyan ko ng favor ang mga gagong gustong gaguhin cbox ko, gago kayo, gago.

Third quarter na, bilis lumipas ng panahon, noong umpisa ko tong ginawa eh summer pa, akala ko madalas kong makakalikot toh, hindi pala, busying busy lagi*

Hindi ako makapagpost ng mga nangyayari, mga nasasabi, nagagawa, sayang tuloy, ang dami ng nangyayari; nakapuntang Tagaytay dahil sa retreat, pumuntang Sta. Mesa para magpapalit ng gitara, may nabastos na college student sa SM Manila, nagkalat ng PH Care sa mga shopping carts ng mga tao, at mag-cheer ng isang kumakanta ng karaoke sa SM San Lazaro kahit hindi ko naman kakilala.

Kasalanan ko rin siguro bakit nagpa-pile up, tinatamad akong irecount yung nangyari, tinatamad akong mag login todits, tinatamad akong magtype, tinatamad akong pindutin yung publish post button, at tinatamad akong pindutin yung sign out.

Marami, or technically nakakakita, akong nakikitang mga taong may mga blogs, sipag na sipag silang i-recount at i-post sa mundo ng Internet ang nangyari sakanila. Pero hindi lang naman past experience, kundi opinions at kung ano pang hindi ko maisip ngayon nilalagay nila.

Blame ko rin siguro ang writer's block; kasi parang talagang may block na nakapasok sa ulo mo, sumasakit ang ulo sa pagpilit magisip ng masusulat.


*tinatamad talaga fyi

Saturday, September 12, 2009

Mir ist es langweilig

Halos, kakatapos lang ng 1st periodical test namin, at nakuha ko na ngayon ang report card ko. At masasabi, hindi ako ganoong kagalingan. Puro line of 80 ang grade ko, TLE/Computer lang ang 90 ko, typical. Madalas talagang pag-first quarter ay tinatamad pa kong mag-tsagang magaral, kaya expect ko siguro ngayong second quarter ay tataasan ko na. Balak ko ngang kunin ang nakakababang pagkataong Remedial classes para lang mapagtawanan ang mga taong hindi alam anong nangyari sa Remedial class.

Madalas kasi sa Remedial classes, advance ang lessons, kaya yung mga nagreregular, hindi alam, magets, or maka-ride on sa alam mo, madali silang pagtawanan, kaso mababa ang tingin nila sayo. Kasi kaylangan mo pa ng advance lessons na yan para makapagaral, kesa magattend nalang ng regular classes AT matuto mula doon.

So, maraming nangyari sa akin mula sa huling pag-post ko, unang-una, sabayang pagbigkas, pangalawa, isang week ng hindi pagpasok, pangatlo, uhm, wala pala. Wag na.

Noong una hindi ako kasali sa sabayang pagbigkas; ang sabayang pagbigkas, ay pagbigkas ng sabay sabay, ng isang tula na ibinigay sa inyo. So, nung may chance akong makasali, sumali ako at naka-chamba akong hindi makaatin ng kalahit ng regular classes, kaya huli ako sa mga lessons. Pero ng dumaan yung isang week, bigla akong nagkasakit, ng flu, daw. Nang hina talaga ako, pag-gising sa umaga hanggang banyo lang ang maabot ko; gumagapang ako. At ngayong current last week, struggling ako sa pagaaral at makapasa ng mga assignment/project/homereading/etc.

Hindi tuloy ako nakasali, desidido pa naman talaga ako nung time na yoon, at marami pa ko namiss sa lesson, kung baga walang kwento ang lahat ng ginawa ko, lecheng flu yan.

So, determined akong mataasan ang grade ko ngayong quarter! Yeah right. To the max na boredom ko yoko ng pumasok :D

Thursday, August 13, 2009

Period...

...ical tests. Panahon nanaman ng mga periodical examinations ng mga high school students, parang mag-advance ng quarter, at mapalapit sa pag-gagraduate. At ako'y hirap na hirap.

Kakatapos lang kanina ng first day ng exams; Math, Filipino at Econimics/Araling Panlipunan. Masasabi ko, nahirapan ako. Inaabot ako ng isa't kalahating oras para makatapos ng isang subject, nananakit pa ulo habang nag-eexam.

Dapat ay nagaaral ako ngayon para bukas, lalo ng mas-marami pa bukas; English, TLE, Music, Art and Physical Education. Hindi nga ako makapaniwalang meron paring Physical Education.

Ang problema, talagang tamarin na ako, makikita niyo naka-gawa pa ako nito ngayon. Ang problema kasi, gusto kong matuto, pero ayokong mag-aral. May pagkakaiba, hindi ko lang maisip ngayon.

Hanggang sabado pa ito, ang last ay Christian Living(Catholic school kasi) at Physics, na lintek sa hirap at pinoproblema ko. Ang hirap mag-hanap ng notes para sa huling subject na binanggit ko, kaya eto tuloy nag-aalala kung pano magaaral. Feeling ko talaga ay bagsak (ulit) ako ngayong first quarter, pero sana lang hindi.

Sunday, August 9, 2009

Gag*hang Message.

Nagsimula akong magkacellphone nung 3rd year na ako. Kasi useless naman talaga ang cellphone, unless laging unlimited ang pang call at text, portable fone. Pero hindi, kaylangan laging magpaload, or monthly payment para maka-tawag or text ka sa iba, at paminsan pa, bibigyan ka nila ng FREE load, kasi nakikita nilang mula sa cellphone, namumulube ka na.

Maganda daw ang advantage dahil laging in-touch ka sa mga kasama mo, at benepisyong malalaman ko kagad kung may assignment or wala, pero madalas naman hindi magagawa yun. Wala kasi silang load or ako walang load, kaya madalas parin na tatawag nalang ako sa bahay nila. "Laging in-touch" daw, madalas nga ay pinagsasawaan ko na nga ang mga mukha ng mga schoolmate ko.

Laging may dalang cellphone ang madalas mga babaeng classmates ko, at ang mga gwapo-daw na mga classmates ko. Hindi ko alam kung anong meron lagi silang nagtetext habang klase, patago pa, halata naman, parang mga tanga. Kaylangan ba nila laging sabihan ng "Hi" doon sa katext nila? Tas "Nu gwa mu?" Or sa case naman nag magshota, I WAB U ng I WAB U or I MIZ U ng I MIZ U.

Maraming nadulot ang cellphone sa Philippines. Isa na roon ay ang pagiging bobo sa spelling. mdls gnto mgtype or mgtxt ang mga gmgmit ng clfon. 0R kUnG |-|1|\|D1 nAmAn GaNiTo. Kulang kulang ang letters, or pataas baba ang mga ito. Kaya tuloy pag may spelling quiz bee or anything related na spelling, ang bobo ng mga tao minsan, at napapagod ang mga letra sa kaka-akyat baba.

Paminsan-minsan sa text nangyayari ang mga mahahalagang bagay. Tulad ng, simula ng isang away, panliligaw, pag-sagot sa nangliligaw, chismis, pagmura doon sa nagchismis, drama ng magshota, counselling, therapy, kasal, panganganak, divorce, annulment, pag-pasa ng assignment, pag-throw ng birthday party, at marami pang iba.

Sa ngayon, nag-gagamit ko ang cellphone ko na MP3/4 player, dahil na sira ang Ipod ko. Atleast, may silbi rin to bilang portable camera at video cam. Pero sa lahat siguro nangkinakainisan ko ay ang abilidad ng cellphone na makuha ang attention mo. May magtetext, GM lang pala, or Group Message, na sinend ng isang sino merong number mo. Pagnaglalaro ako ng online games, tulad ng Call of Duty 4, tapos may magtetext, hindi ko matiis na kunin ang cellphone at malaman kung sino yung nagtext; pagkatapos napatay ako, syit.

Kaninang umaga ay nagsimba ako, daladala ang cellphone parang pangpabigat ng bulsa; wallet na walang laman kasi dala ko. Habang nakatulala sa hangin, hindi nakikinig sa pastor, ay may nagtext, hindi ko kilala, GM siya. Nakalagay "tanga n ako sa kaiicp sau, magdamag akong bangag sa kahihntay ng txt m. sabog ako buong araw dhl wla k sa tab ko. lecheng pagibig 2! addict n ako. mgkano b 1 gramo ng panahn m?" Akala ko noong una ay kabarkada ko, pero hindi, yung schoolmate ko palang ngayon lang nakuha number ko. Eh dahil sa walang load, hindi ako nagreply. Mula sa simbahan, hanggang sa SM, at pauwi, nagtetext ng puro GM na puro tungkol sa pagmamahalan at love. Anong problema nito? Nakalanghap ka ba ng kinulong marijuana? May nililigawan ka ba? Ako ba? Ano bang ginawa ko para magdusa sa kaka-vibrate ng pants ko na parang may binulsa akong vibrator? Pagkatapos ng isang message, may susunod uli. At hanggang ngayon ay minemessage niya parin ako.

Sa mga gusto akong makatext, eto number ko : 09172......

Thursday, August 6, 2009

Holy Grail.

Kilala ako ng mga kaibigan ko na magaling sa computer; akala nakatapos na ko ng Bachelor's degree sa Information Technology. Above average lang naman alam ko, hindi ko nga alam kung saan isasaksak ang video card sa loob ng CPU. Kasi sobrang limited lang ang alam ko, minsan lang nakaka-chamba ako na tama yung gagawin kong hula sa anything computer-related, thank God.

Isang maliit na kinakahangaan nila ay sa galing ko "daw" mag search. Videos, musics, games or movies nagtataka sila lagi kung saan ko nakukuha. "Sa internet" madalas sagot, pagtatanong naman saan specifically, hindi ko masabi kasi alam kong hindi rin magegets. Ok, amin ko nga mas may alam nga ako, pero compare mo ko sa mga meron talagang alam, wala akong iba-batbat.

Madalas ko na ngayon sabihin ay ang madalas sabihin ng mga tao sa internet sa mga taong nagtatanong kung saan makikita ang isang bagay, "Google"

Lumipas na ang isang milyong taon, ang Google ay matagal ng nandiyan. Walang pang internet or computer, or yung V-2 Rocket ng mga Nazist, nandiyan na ang Google, kahit ang mga Ancient Romans nung panahon ay ginagamit ito upang hanapin ang isang batas/dokumento/scroll/papel/bato sa kalaki-laki nilang Archive room.

Google is almost the answer. Ginagawa kasi ng Google ay nilalay-out ang mga websites base sa terms na ginamit mo. Terms, hindi words. Hindi nagsesearch ang Google ng isang buong sentence or phrase, kundi isa-isang words. Unless lagyan ng "ganito", dapat pag-nagsearch, mga keywords lang ang gagamitin.

"Saan ka ba tumitingin?" "Saan ka pumupunta" Saan, saan, saan. Isa lang lagi sagot diyan, Google. Hindi Yahoo Search, kasi ilang years lang yun. Hindi tulad ng Google, millenia ang in-archives niyan, as in mula pa siguro sa time nila Missing Link o Adam & Eve.

Isang natutunan ko sa pag-gamit ay laging shortest possible terms. Kasi pagdadami ang words na nasa search box, mas maraming unwanted websites din ang ibibigay. Kunwari, may assignment kayo, kelan ang birthday ni Rizal, pagtinaype mo When is Jose Rizal's birthday, kesa mapunta ka sa hinahanap mo, mga celebration banner ng birthday ni Rizal ang makita mo.

Kaya bago ka magtanong sa kaklase mong nasa kabilang side ng tinitirhan mo para sa mga sagot, Google muna.
Google Google Google

Google

Monday, July 6, 2009

Saddest things in life.

Ang panahon natin ngayon ay madalas, base na sa teknolohiya. Lahat tayo ay may dala-dalang gadgets araw-araw, na hindi mabitaw-bitawan, kundi dahan-dahan tayong malulusaw/guguho/masusunog/maglalaslas sa kawalan. Cellphone, MP3, MP4, PSP, Nintendo DS, minsan pa nga pati refrigerator at DVD player dala-dala na rin. Kahit sino meron, talo pa nga ng pulube o taong grasa mga lola kasi sila, may cellphone.

Hindi lang mabilis ang pag-pasok ng sang katauhan sa pag-gamit ng teknolohiya, mabilis din ang pag-gawa at pag-laganap nito. Meron ng mga cellphone na may camera, cellphone na may video cam, cellphone na may camera AT video came, cell phone na may camera NA MAY video camera AT MAY music player, music player na nagpapatugtog, nagluluto pa, music player na pwedeng studio ng isang banda, music player na may baril, music player na may music player na may music player, isang maliit na rectangle-shaped steel box na nagiging music player, cellphone, camera, video camera, computer, laptop, baril at lalagyanan ng weeds. Ang PSP nga naglalaro na ng DS games ngayon! Pero ang DS hindi pwede maglaro ng PSP games, bakit? Selfish kasi.

Pero hindi limitado ang sinasabi ko sa mga hand-held materials lamang, pati na yung mga malalaking bagay. ATM machines, mga robot na vending machines, isang yellow car na construction vehicle pala kasi nag-tatransform. Asteeg noh?

Nakakatakot isipin, na sa mga susunod na panahon, ay may roon na tayong mga robot companions diyan sa daan, parang I-Robot, kung saan bida si Will Smith, na sa kagulat-gulat na twist, robot pala!
Meron na ngang mga robot na parang tao, na binubuo na ng ating mga singkit na kapitbahay, except anything lower than the Philippines, ei Indonesia. Mga bahay ay robot operated, kaylangan na ng implants kapalit ng mga papeles, lahat ng PDA na ang gamit ng schools kaysa notebooks/books, ang mga gera ay pinaglalabanan na ng mga robot, at higit sa lahat, robot prosti- Nevermind. Pero wag kayong mag-alala, nandiyan naman si Will Smith. Robot na, super hero pa!

Sa bilis ng progreso ng teknolohiya, maraming taong pinipilit tinatry na maki-join, maki-sakay sa bandwagon ng mga kuryente at wires. Na kahit na hindi na kayang hapakan ng bare feet nila ang shock nito, ay go parin, no pain no game ika nga.

The other day, hindi ako pumasok ng school, galit pa nga nanay. Tapos biglang tawag tatay ko kaya siya sumagot, nakalimutan (nanaman) niya daw mag-bayad ng kuryente, what does that mean? Bukas, alang kuryente, wala ding computer, which lagi kong, dapat, in-on. So, punta akong Puregold kasi doon, merong bayaran, na-iaabot ko lang yung pera, solb na. Pasok ako doon sa back entrance na malapit sa Old Torres St. Kinapkapan ng guard, pumasok, tapos pumila, pero nung pag ka-position ko doon sa line, bigla akong sinita ng guard na nakabantay doon. Sabi niya pila daw ako doon sa entrance, yung main entrance. Pagkatingin ko, nag-twitch mata ko, ang haba nung pila. "Badtrip toh ah." Isip ko, wala naman din akong magagawa kaya sunod nalang ako sa utos ni manong guard. Habang nag-lalabas ng galit through perspiration, meron isang babaeng nakatayo malapit sa ATM machine, sinisigawan ang Puregold. Akala ko nung una, yung asawa niya sigurong empleyado yung sinisigawan niya, hindi pala, sinisigawan niya yung Puregold dahil sa ATM card niya kinain nung ATM machine, at hinihingi niya yung card mula sa ATM, este Puregold pala. Maraming tao ng dumaan sa kanya, sinabihan siyang hindi ang Puregold responsable, kundi yung bangko, ayaw niyang makinig. Nag-progress na yung pila, na-stop pa ako dahil marami na raw yung doon sa booth, nan-dun parin. Naka-bili na ako nung pinapabili sakin ni nanay, nan-dun parin. Naka-bili na ako ng Chao Fan at fish fillet sa Chowking (woh!) nan-dun parin siya. Mayroon siyang kasama dalawang bata, na-aawa na nga ako, gusto kung i-uwi yung dalawa sa bahay nila muna, habang yung nanay nila naghihintay doon.

So, didiretso ko nalang, may ilang tao may pag-katanga talaga, hindi natin sila masisisi. Hindi ko siya matulungan dahil marami akong bitbet eh, pero dalawa lang ang pwedeng gawin niyo kung gusto niyo, backstab laet, or bigyan niyo sila ng payo, at tulungan. Dahil hindi lahat ng tao ay kayayanin ang kuryente ng bandwagon ng progressive teknologic party.

Tuesday, June 16, 2009

Pause.

Tinamad, hindi ako pumasok. Umuulan kaninang umaga, at walang-wala akong gana. Nagpaalam sa nanay na hindi papasok, pero hindi alam ng ama. Nangkonsensya pa siya, need ko ang pagaaral, ganun. Pero na spend ko yung buong umaga kausap ang nanay ko. Sobrang baet at asteeg ng nanay ko, best talaga.

9 days palang ang lumilipas sa 280 days of education ko ay tinatamad na ko. Wala na kagad gana. May 271 days pa akong padadaanan tapos ngayon palang tinatamad na ko?! Hindi ako payag, hindi ko naman din pwedeng pilitin sarili ko, kasi wala ding mapapala. Meron, pero garbage-level yung result.

Nang dumating ang hapon, tawag kagad ako sa mga kaklase ko kung may assignment, meron. Meron din akong ilang hindi ko napasa na dapat ngayon. At sana tanggapin nila bukas, kung hindi, ay magmamakaawa ako or pipilit, either way dapat kunin nila ito.

Marami rin pala akong assignment. Nung last year gawain ay hindi sagutan at bukas nalang, or gawin sa gabi, kung saan late na late na naghahanap ka pa ng computer shop namapagpipritan ng assignment. Ngayon, nasa jeep palang, bukas na ang mga notebook at libro habang papunta sa pinto ng bahay.

Sa tingin ko, kaya ako nahilo ay dahil dito.

Monday, June 15, 2009

Late start.

Isang week na lumipas pagkatapos ng first day of school, pero parang ngayon lang, sa section namin, nagumpisa truly ang klase. Sakto, ngayon ko lang na complete yung mga libro ko.

Ordinary day lang, gumising, pumasok, umuwi. Pag-gising ko ay hilong-hilo ako, ewan ko ba, umiikot LAAAHAAT ng bagay sa paningin ko. Hindi siya instant, pumunta muna kong banyo para umuhi ay bigla nalang akong nahilo, ang hirap tuloy i-aim sa toilet!

So far yun lang, extremely boring na, at wala ng magawa kundi pilitin ang sarili na gumawa ng assignment.

Tuesday, June 2, 2009

Third and still counting.

Astig, umabot ako ng tatlong post, para na talaga akong BLOGGER. BLOGGER. BLOGGER.

So, one week nalang, pasukan na. Umpisa na ang pasukan ng mga public schools kahapon, ang mga sosyal na pero mga tanga namang private next week pa. Marami pa akong oras na pedeng sayangin bago magumpisa ulit ang impyerno ng buhay ko.

Kung interisado kayo kung anong nangyari nung Lunes, basahin niyo lang yung sobrang habang pader ng sulat sa baba, kung hindi naman, laktawan niyo nalang. Pasensya na kung may pagkamali-mali siguro, gabi ko nanaman ito sinulat at sabog ako paggabi.

Nakakapagod kahapon, isang araw kong suot-suot yung hindi ko pa nilalabang maong shorts. Nag umpisa ito nung kami at isa kong hindi mabangit-bangit dahil baka i-stalker niyo na kaibigang babae ay pumuntang SM San Lazaro, para bumili lang ng bag at mga school supply, kung co-consider niyong school supply ang ilang piraso ng papel at dalawang (bol)pen.

Natulog ng 1 ng umaga, gumising ng 6, dapat mga 9 or 8 ako gigising. Alam niyo bakit? Dahil sa isang gamot, napinapainom sakin. Nag-aayos daw ito ng tulog mo, meaning ay kahit anong oras ka matulog sa madaling araw, pipilitin kang gumising ng 6 ng umaga. Natulog ka ng 2? 6 gising. 3? 6 parin. Kahit natulog ka ng 5:59 ng umaga ay gigising kang ng 6:00. Ayaw pa nila itong tawaging sleeping pill, ganun naman din yun, gusto pa nila melatonin. Tumawag yung kaibigang babae ko 11 ng umaga na, yun dapat ay umalis na kami, pero hindi, kakagising niya lang daw, kaya naghintay pa ako ng ilang oras hanggang tumawag siya at sabihin na punta na ako doon sa pagkikitahan namin. Ehh, hilig ko siyang paghintayin doon, kaya in the mean time eh tinanong ko nanay ko kung may papabili, Vitamin C at battery daw, yung rechargable. Binigyan ako ng 800 pesos, ayos, mayaman nanaman ako sa daan. Talon kagad tayong SM San Lazaro, nung pag-pasok namin sa loob, ay kinamusta kami ng mga katipunero. Ano? Oo, mga katipunero. Kung nakikita niyo yung mga gwardiya sa Luneta, yung mga nakatanga lang buong maghapon tapos aalis pag pinagsabihan ng nung boss, ganun. Kaso etong mga nakatayo, halatang sapilitan, yung isa galit, yung isa malungkot na masaya na ewan. Akala ko nung una sila yung bagong security nung mall, hindi pala, display and amusement lang pala. Tumuloy na kami ng Department Store, kung nasaan yung mga bag na pang babae, hand bag. Nung una hindi makapili yung kasama ko, may mahal na gusto niya, may murang pangit naman. Suggest ko sa kanya ay bumili nalang ng plastic bag, pero hindi, gusto niya yung gawang tela o synthetic, na may drawing na hindi mo alam kung flower ba o kalabaw. Habang namimili kami, naririnig namin naguusap-usap yung mga sales clerk tungkol doon kay Hayden Kho, "Ui napanood mo na? Papasa naman sakin oh!" "OO YUNG KAY MARICAR MALINAW SHET" Medyo na dismaya, salamat nalang ay nakapili na siya ng bag na gusto niya, ako pa nga nag-suggest na black ang kunin niya. Naglibot-libot hanggang mapadpad na kami sa National Bookstore, na punung-puno ng tao. Actually, ako ang nagsuggest na monday kami umalis, para walang tao kasi unang araw ng pasukan, ng public. Pero mali pala ang hula ko, marami paring tao. Hindi ko alam kung naka-isa o dalawang oras kami doon, pero dahil sa kulang ko ng tulog, at pagsiksik at hindi sadyang pagramdam ng mga puwet ng mga ibang tao, ay akala ko namamatay na ko. Pero sa huli, nakalabas rin kami, siguro medyo na dumog kami ng utot ng ibang tao, pero okay lang, atleast nakalabas parin kami. Tumungo kami sa Greenwich at kumaen, tumungong phone booth at tinawagan ang isang kaibigan ko na pagtatambayan ko pero walang sumasagot kaya pumunta parin kami doon. Kamalas-malas ay nawalan ako ng barya, walang-wala, isang buong 800 pesos nalang ang dala ko(Oo, buong 800 peso bill) Kaya limang beses akong nilimbre pina-utang ng kasama ko sa jeep, 35 pesos ang halaga lahat-lahat.

Pagkalipas ng ilang oras, sa paghahanap ng Jackass videos sa Youtube at pakikipagusap sa mga kasama sa bahay nung isa ko pang kaibigan, nag-text nanay ko, umuwi na raw ako, dahil Anniversary ng Lolo't Lola ko. Muntik ko ng masigaw yung "F" word sa loob nung bahay, nakalimutan kong Anniversary nga pala ng grandparents ko, kaya naman ako nag-aalala dahil ako lang ang iisang lalaki sa buong pamilya, ako ang taga dala ng pangalan, ng dugo at ng lahi. Oi walang magququote niyan, original na sakin yan.

Hindi pa nabibili ang ang gamot at battery, tumungo ako sa Mercury Drug, kung saan naghintay ako ng ilang minuto para lang bumili ng gamot. Yung katabi kong matabang-mataba sa harap ng pila ay napansin ko lang, naghihinalang baka bakla ata ako, ewan ko bakit, pero yun ang nararamdaman ko, sa tingin niya bakla ako. Langya. Nang hindi na alam kung anong battery bibilhin, binigay ko na sa babaeng kaibigan ko ang utang ko, hindi bumili ng battery at umuwi nalang. Naghihintay ang mga magulang ko sa harap ng pinto. Ang greet sakin? "Magbihis ka na dali." Wala naman akong problema doon. Naligo ulit sandali at nagpalit lang ng t-shirt at nagsuot ng sweater, tumungo na kami sa Manila Bay, sa isang lugar doon na puro sea food restuarant ang meron, at mga pirated DVD ang tinda. Sa totoo lang hindi masarap yung handa, yung isang plato lang ng kalamares at dangkal ng kanin ang kinain ko, nasayahan na ko. Nandoon yung buong akan ng pamilya ko, parang Godfather reunion, na may halong kalokohan. Dahil birthday na rin halos ng ate ko, nilibre niya kami ng Starbucks, first time ko doon? Oo, kaya medyo hiya-hiya ako doon. Sa tingin ko nga nilalason kami nung naghanda, sobrang tamis! Parang isang malaking baso ng chocolate instant diabetes. Pero nakadalawa akong baso, galing noh? Sa buong pangyayari ito dalawa lang yung mga nakalimutan ko, yung battery kasi sadya, at yung mga librong hineram sakin nung kaibigan kong babae.


So, nakakuha nanaman ng laro, Necrovision [wiki], at amin kong mataas yung expectations ko, pero hindi, nagkamali nanaman ako. Magandang-maganda yung concepto, mali lang kung pano siya ginawa. Base siya sa World War One kung saan may nagsilabasang mga halimaw nalang bigla. Hindi ko maalala kung anong salita ibibigay, or kung susulat ng maliit na review, pero para maikli nalang yung usapan, ang panget niya. Katulad din siya nung isang laro na laro ko rin na ganitong ganito, iba lang yung timeline at medyo binago yung kwento.

At sa mga interesado, trailer ng New Moon, at ng Left 4 dead 2!

At at, binalik ko sa dating layout, kasi pangit at hindi maayos yung nilagay kong bago.

Saturday, May 30, 2009

MAY BAGO!

Naglagay na ako ng bagong layout para sa blog na ito.

Proud ako kasi inabot ako hanggang 2:00 ng umaga para lang maayos to, hindi pa nga tapos eh.

Pakshet.

Hindi ako gumising ng maaga, talagang gising pa ako mula kanina, at hindi, hindi ako nagpuyat para lang dito sa lintek na blog na ito, nagpuyat ako para dito. Hinintay ko ng isang week ito, ISANG WEEK, tapos kaylang i-iinstall ko na, sinabi pa sakin na baka umabot ng APAT(4) na ORAS. Sobrang daming mali ngayong gabi, sa sobrang atat ko kasi, na simulan ko na yung installation, eto ngayon ako, hinintay matapos, madaling araw na, sinong tao ang gising nang ganito oras para mga-install lang ng lintek na laro sa kompyuter?! Alam ko yung mga matatandang 20-years old and above, naninirahan sa ilalim ng basement ng kanilang mga nanghihingalong mga ina, pero sino pa?! Ala na diba? Para tuloy akong nakikisali sa mga
basement dwellers na yoon, ako pa ang nagmumukhang kakawa ngayon, saling kawawa. Dapat tulog ako ngayon, pinapanaginipan na isa akong super hero, o hero lang, o kaya isang maarteng koreanobela-like na kwento na hindi ko alam bakit ko napapaginipan, o kaya naman sinisipa ang mga katabi ko sa kama sa mukha. Pero hindi, nandito ako ngayon, nagmamaktol, naghihitay, masakit ulo, antok, need ng mag labas ng bowels at mag discharge ng food-colored water.

Sana lang ay worth itong sakripisyong ginagawa ko, sana makakabuti ito sa sang katahuan.

Friday, May 29, 2009

FIRST POST!!1

Yes, first post, on Friday ng May 29, 2009. Isang week bago ang pasukan, ng public. Ang private naman next, NEXT week pa, may two weeks pa ako. EDIT: At napansin ko, late ng one day yung website, astig talaga sa Pinas kasi kami nag-tataymtrabel.

Hindi ko alam kung kakatuwa ko to dahil magkakaroon ulit ng purpose ang pamumuhay ko, or malulungkot kasi pasukan na. Lahat naman tayo ayaw mag-aral, isa na ako roon, nakakatamad kasi, lalo na tamad na tao ako. Pero sabi ko sa sarili ko, "try" kong magsikap nitong last year na ito sa high school.

Next year ay Senior na ako sa high school, pag sinasabi ko yung word na "senior" na iisip ko pagtanda, paglake, at pagkakaroon ng isang mayamang pamilya at isa akong Don.

Ganito lagi pag-summer, sa umpisa ay nakakatuwa, pag dating na sa dulo, magulo na. Kasi wala ng magawa, boring na. Ginawa ko lang for 2 and a half month ay umupo sa harap ng computer, or iligaw ang sarili sa labas, or magbilang ng isang kilong bigas, isa-isa.

Naisip kong i-Google ang "indie games" at napadpad ako dito, specifically dito. Kaninang hapon ko pa nilalaro, panget graphics, di next gen, pero simple at enjoying. Natutuwa na akong nagliligatas ako ng mga taong MS-Paint drawn, at umiiwas sa mga lumilipad na itim na linya.