Tuesday, March 29, 2011

Bollocks.

Fishsticks.

Nandito na ko for five and a half month, still counting. Ang tagal tagal ko ng hindi pumapasok. First hand experience ko ng hindi pumasok or gumawa ng kahit anong klaseng work, masasabi kong hindi ko na pala gustong gawin ang plano kong magluwaliw/tumambay/walang gawin ng isang taon pagkatapos ng college.

Noong Fourth year/Senior ako noong Highschool, hindi ko masyadong naasikaso college ko, pasarap at aral(what) lang ginawa, ineenjoy ko na mga huling araw ko noong Highschool, pero ang pagaasikaso ng college ay hindi kasama doon. Hindi naman sa pinabayaan ko, hindi lang ako tumingin tingin at namili kung saan ako papasok, hinintay ko pang lumipas ang buong school year at bakasyon, hanggang maging one month nalang bago pasukan.

Pinili kong pumasok doon sa pinasukan kong university dahil sa impluwensya ng iba, una mga kaibigan ko, siguro inisip ko rin na para malapit ako, pangalawa siguro ate ko, para naman daw maiba at itry ko yung course na meron doon.

Maayos naman mga unang araw ko doon, kahit feel ko na mali yung dating ko noon, inaakalang isa kong kantong gangster o ano man. Fuck. May ilan-ilan din akong nakilala doon na iba't ibang tao, kahit na hindi ko lahat masyadong nakilala gaano. Marami din akong good times doon, masaya naman din.

Trimestral doon, so for 9-10 months, tatlong semesters ang kukunin ko sa isang school year. Nakatapos ako ng isang sem, sa totoo lang, yung feeling ko masaya, renewing. My optimistic look pa kong "Alright! Next sem na! Wala ng tamad tamad!" Inencourage ko pang i-full payment ang tuition fee ko kay tay. As in inulit ko pa sakanya na para wala ng problema ang tuition ko.

Akalain mo nga naman na mga kalahating panahon ko sa second sem, bigla akong tinamad. Sobra. Hindi ako pumasok ng isang linggo, tapos ng pumasok na ko, isang araw lang, tapos hindi ulet, hanggang sinabi ko ng ayoko ng pumasok at magiistop nalang ako. Pero sinipag naman akong asikasuhin mga papeles ko, tulad ng dropping slips at mga honorable dismissal shit. Isang linggo akong bumalik balik doon na naka uniporme pa para lang magpapirma ng dropping clearance, at napilitan pa kong pumunta ng Quezon dahil sa NSTP, tapos wala naman pala doon yung prof, naranasan ko pa tulog makatulog sa bus at ma-stranded ng walang pera sa Taft. Buti nalang mas madali yung honorable dismissal, kahit na bigla akong nahingan ng 500 at napilitang magpapirma ulet sa ibang set naman ng tao, ayos na rin.

Nagsayang ako ng oras, panahon, papel, tinta, tubig, sabon, shampoo, toothpaste, pera, lalo na pera, baterya, effort, pawis, balat ng kendi, yung kendi, kuryente, etc. etc. Madami, eto na pinaka-magastos kong biro desisyon sa buong buhay ko. Napakunot ko noo ng nanay ko, napasakit ko ulo ng tatay ko, at napaiyak ko ate ko.

Pero fuck that. Eh sa ayoko doon sa napili kong desisyon. Pinipilit pang baka dahil ba may ng bubully sakin or may tao akong ayoko doon kaya ayoko ng pumasok. Fuck no. Ayoko na doon kasi ayoko napili ko, at medyo mahirap din ang trimestral. Magandang unibersidad yun, pero hindi yun para sakin. Naaalala ko talaga effort kong pumasok na hindi nagpapawis, dahil sa hindi masabing dahilan, napaka inet lagi kapag papasok ako.

  • Hindi crucial ang magplano, pero magplano parin. Lahat ng plano ay destined ng mag-fail, pero maganda paring may set points ka kung anong balak mong gawin.
  • Kunin mo kung anong gusto mo at anong feel mo; lahat ng parents na nagpipilit sa anak nilang kunin ang course na ikakagusto ng parents? Fuck that. Mag-reconsider naman. Hindi naman kayo yung magtatrabaho at mamumuhay balang araw pagtapos ng mga anak niyo, parang nagsayang din kayo ng investment kasi pinapakuha niyo sa anak niyo hindi naman nila kaya. Mag-college nga ulet kayo. Mas magandang go kagad sa gusto mo, kesa makipagpatintero ka pa sa sarili mo, makapili ka ng hindi mo gusto, at magsayang ka pa ng oras.
  • I-take note ang opinion ng magulang. Hindi ito kontradict sa itaas, dahil opinion naman ito, hindi ang ikakagusto nila. Believe it or not, the highest possible opinion na tama na matatanggap mo ay sa magulang mo; lahat ng sinabi sakin ni nay, tama. At kasama narin dito pagdating sa financial needs, paghingi mo ng extra baon ayos lang, pero pagdesisyon mong bayaran kagad yung buong tuition fee, wag.
  • Wag gumamit ng body odor anti-perspirant spray, sa experience ko, parang napakabigat nito, mas iinit katawan mo, hindi naman din gaanong amoy, at kung maspray mo man sa ilong mo, parang instant sickness kagad, pagchagaan nalang punasin ang pawis.
  • Wag na wag mong ipilit ang hindi pwede, wag kang papasok sa unibersidad na yan dahil lang nandiyan mga kaibigan mo, magkikita pa kayo, possible ngang araw araw kayong magkita, pero unahin na isipin kung saang maayos ka magaaral na meron ang gusto mo.
  • Kahit yung crush mo pa ng freshmen High nandiyan.
  • Hindi masarap magstay sa bahay at hindi pumasok/magtrabaho, unless shitloads kang mayaman.
Naisip-isip kong may time na rin akong magawa yung mga gusto kong gawin ngayon, tulad ng magaral ng ibang bagay, pero dahil di ako motivated, araw't-gabi akong babangon, kakaen, medio maliligo, maglalaro, kung may alis, aalis, at matutulog. Hindi maganda to, nakakabaliw yan.

Pero kung magkamali ka, ayos lang magsisi. Lahat naman tayo nagkakamali, nga naman daw. Wag manghina sa pagkakamali, kundi mas palakasin pa tayo nito. Maraming matututunan.

Tuesday, April 27, 2010

Phil.

Sa dalawang buwan, hinde, simula palang ng January puro tungkol kagad sa election ang naririnig ko. As in, aakalain mo na ngang fiesta sa isang barangay pero puro banner o poster ng isang politician pala ang nakasabit. Ngayong matanda na ako, naiintindihan ko na ang punto nitong shit na toh.

Nakakairita ang mga panahon na ito, kahit ngayon ko lang napapansin. Nakaranas na rin ako ng panahon ng election pero ngayon ko lang pinuna na nakakairita siya. Maingay, magulo, puro kwento, puro commercial, puro jingle, puro kanta, puro convoy, puro shaking hands, puro bigay ng gamit na may pangalan o pagmumukha nila at gawa sa cheap na materyal.

Ayokong ayokong ang mga commercial ng mga presidential candidates sa TV, puro pakitang gilas, pinapakita kung anong magandang ginawa nila o something impressive or anu man. Tapos may halo pang jingle, yung tugtog na amazingly, gawa ng campaigning team nila; ang catchy, nakaka-LSS. Pero sobrang baduy, ang jologs. Pero impress ako sa campaigning team nila kasi dahil napapa-LSS ka, naalala mo sila. Kaso sakin hindi ganoon. Bakit hindi nila punahin ang masasamang ginawa nila? Pakita nila yung candy na ninakaw nila sa bata, o kaya ang patagong pagtapon ng basura sa daan, o kaya naman ang pag-ihi nila ng simple sa isang poste. Hindi ko naman pwedeng sabihin punahin lang ang masamang side ng mga candidate, dahil magiging inconsistent naman ang kaya nilang magandang gawin. Siguro yun na nga ang sagot sa sarili kong tanong kung bakit puro magagandang bagay ang inaadvertise at hindi panget; mas titignan mo ang makaka-benefit para sa bansa, pero gusto bang mamuna ay effective pero candy-stealing na candidate?

Hindi pa ako boboto, wala pa ako sa legal age, pero sa totoo lang, wala akong kaalam-alam tungkol sa politics, masyadong complikado. Para siyang laro ng pato, pero maraming maraming batas/rules/ka-ek-ekan. Hindi ko alam bakit maraming ka-complikaduhan ang mga bagay na nagpapaandar sa mundo, ang daming pasikot-sikot.

Eto ang listahan ng mga presidential candidates at ang aking opinion.

1. Benigno Aquino - Noob. Wala akong masyadong narinig tungkol sa kanya except kapatid siya ni Kris Aquino, at Baby James Noynoy!
2. Eddie Villanueva - Nagdududa sa kapabilidad na maging lider, religious leader namin ito sa JIL Churches. Pero kahit religious leader siya, may pagkakaiba parin sa pagiging political leader.
3. Gilbert Teodoro - Teka, tatakbo to?
4. Jamby Madrigal - Hula ko lang, pero para siyang politically at mentally retarded pag nakikita ko siya sa TV.
5. JC Delos Reyes - Ni-wikipedia ko to, hindi ko kilala sino toh, base rin sa wikipedia, pamangking ito ni Gordon, wtf.
6. Joseph Estrada - Kilala niyo to, tawag ko dito "The People's President" ewan ko bakit.
7. Manny Villar - Walang masabi, panuorin niyo nalang yung mga pinalabas ng lintek na to sa TV.
8. Nicanor Perlas - Akala ko babae, puchang pangalan yan, isa rin sa mga di ko kilala.
9. Richard Gordon - DICK Gordon, pangalan palang, asteeg na.
10. Vetallano Acosta - Sino ka.

Anyways, sana maganda ang ikalabasan ng election, may maging presidente, maaus sana yung bansa, ang tigilan na ang pang-gagago sa malungkot sa bansang to.
Pero sana talaga magkaron ng parang terrorist attack sa election, asteeg nun.

Monday, April 26, 2010

Island

Sa dalawang linggo nakakalipas, nanunuod ako ng Survivor. Micronesia, Tocantins, at Cook Islands ang mga napapanood ko sa buong series ng Survivor.

Aaminin ko, nagagandahan ako. Ang laro talaga dito ay parang social interaction. Factor din ang mga physical challenges, pero major talaga ang pakikipag-socialize ng mga "survivor" sa isa't isa. Sila ang nag-revolutionize sa "social warfare", kaso hindi siguro gagamitin itong conceptong ito sa mga future na gera; walang gustong umupo at makipaglandian kung sinung gustong sumuko o magpa-baril sa mukha.

Kaso naisip ko, wala talaga ang real definition ng pagiging "survivor". Puwede ngang ilagay nalang sila sa isang apartment building, walang trabaho, walang pera, tas yun, lalabas sila para kumuha ng trabaho tapos magdadala ng pera doon sa apartment. Tapos parang ganoon na nga. Survivor sila, socially. Kaya naiisipan ko ang realistic setting at gameplay ng "Survivor: Realism"

- Ang setting ay isla, maganda na ang isla, kasi isolated na. Kung may magtatry na tumakas, may mga gunboats na nagbabantay para pagbabarilin sila.
- Hindi formal ang pagdating nila doon, idedeliver sila sa loob ng isla randomly at walang malay, dala-dala lang ay ilang damit, lahat ng ibang gamit nila sa isla makukuha. 20 players nga pala.
- Walang tribe-tribe. Bahala ang isa't isa sa mga alliance o samahan.
- Walang botohan/tribal council o jury o anu man un.
- May twist. Randomly, may grupo ng mga natives na biglang aambushin ang mga player, as in totoong huhuntingin sila. Ma-deads, out.
- Un nga pala, death ay isa sa mga possibilidad ng pagiging talo.
- Lahat ng gamit sa isla pwede, kung makahanap sila ng rebolber, good, makakatagal sila against sa mga random ambush if ever mangyari sakanila.
- Puwedeng magpatayan, simula sa pagumpisa nila sa isla, lahat ng players ay magkakaron ng lisensyang pumatay parang si James Bond. License to Kill bitches.
- Physical Challenges, tatawagin lahat ng survivor para magparticipate, kung gusto nila o hinde, pwedeng umayaw. Ang purpose lang nito ay bigyan ang mga players ang slight chance ng survival, example ay bibigyan sila ng disenteng pagkain o gamit.
- Tatagal ang laro hanggang isa nalang ang matitira, as in Sudden Death, Last man standing. Walang limitation ng days, hanggang may buhay, tuloy ang laro.
- Puwedeng umayaw, pero lang kung mamamatay na sila.

Yan palang ang naiisip ko so far, pero balak kung dagdagan ito, at hopefully, may makabasa at mainteresado sa concepto ko at gawin ngang totoong palabas.

Tuesday, March 16, 2010

Prutas

Dahil sa mabagal na paglipas ng panahon at sa sobrang wala akong magawa, nakita kong may nagtatanong sa cbox ko (>>>) kung ano ang ipinagkaiba ni lolo Adan/Adam/Adamantium at lola Eba/Eva/Eve. Hindi ako si Eli Soriano o si Apollo Quiboloy/Tabloid/Monggoloid, pero try ko.

Base sa bibliya, sila daw ay ang mga unang taong ginawa ng Diyos, na ang lalake ay nang galing sa abo, at ang babae ay nang galing sa tadyang ng lalakeng ginawa. Sila ang mga unang magulang at mga unang tito't tita, unang lolo't lola, at unang mga kapatid, unang pinsan, second cousing, third cousin, fourth, fifth, sixth.. so on and so forth.

Kaso, dahil galing ito sa bibliya, nag-aapply lang ito sa mga Kristyano. Hindi ko na alam kung ang origin story ng Islam, Hinduism, Buddhism, Sikhism, Judaism, Nazism, Christmas at iba pang may ism sa huli.

Ang pinagkaiba nila sa ating mga tao ngayon ay wala silang pusod, hindi kasi sila pinanganak. Si Adan kulang ng isang rib, habang si Eba naman isa lang ang rib, ata.
Siguro dahil sobrang bata pa ang lifespan ng tao noon, namuhay sila ng siguro ng eight hundred billion, billion years. Noong naninirahan pa sila siguro sa Garden of Eden, halos demi-gods siguro sila; invincile, malakas, mabilis, hindi napapagod, hindi nagpapawis, laging bata ang skin, maganda't gwapo, lumilipad, etc etc..

Pero, bukod sa mga sinabi ko, halos parehas lang sila sa atin, noong nasa labas na sila ng Garden.

Sunday, December 27, 2009

Pasko

Eto na, ang araw ng mga araw, ang pinakamahalagang araw sa lahat ng araw, sobrang init nito kahit malamig ang panahon, araw eh.. Pasko, or Christmas, or X-mas, or Feast Day ni Saint Anastasia, or Constitution Day ng Taiwan, or Malkh Festival ng mga Nakh people, Chechenya and Ingushetia noong pagan pa sila, or Quaid-e-Azam's Day sa Pakistan, panahon din ito nung kinoronohan si Charlemagne bilang Emperor ng Carolingian Empire na magiging Holy Roman Empire at si William the Conqueror na naging hari naman ng England. Kaya dapat pag-December 25, todo celebration, daming nangyari noong araw na toh eh, pero focus lang tayo sa pasko, pasko ng mga pinoy.

Ito ang panahon na pinanganak ang pinaka-importanteng tao sa buong mundo, base sa paniniwala ng nakakarami, si Jesus Christ, ang anak ng Diyos at ang ating, base sa opinion ko, panginoon, at siguro kuya na rin. At simula na doon pagkalipas ng maraming panahon, konting budbod ng Catholicism, Pagan, at ibang viewpoint ng mga tao sa isang religion, etong araw ang bumunga.

Sa araw na ito, kahit saang bansa ka pa siguro, ang iisipin mo lang ay ang sarili mo at ang iba, tama na ang gulo at mga iba't ibang opinion at pagdedebate, mga away at gera. Sa isang araw na ito, na nangyayari once a year lang, lahat bate, ata. Ewan ko, siguro may iba diyan nagaaway parin kahit pasko. Nakakabwisit nga yun eh, bati muna daw lahat dahil lang sa araw na ito, eh kung ayaw, lintek. Hindi ganoon ang buhay, kung gulo, gulo. Away, away. Walang hindi hindi, walang peace peace. Ang nakakapagiba lang ng sitwasyon ng gulo at away ay mga xmas jingle na nasa tv, yung mga commercial, ang catchy kasi, kaya napapatigil ka tuloy.

Besides sa bati-bati rule, yung susunod ay giving gifts. Hindi ko alam saan nagoriginate ang pagbibigay ng regalo, baka kay Charlemagne, nung binigay nung pope sa kanya yung corona. Parang ganoon, ewan ko. Pero ang alam ko, dito makapal ang tinta ng kasabihang, "It's better to give than to receive." Kaya lang nila nasabi yan para lang makapagbigay ang isa't isa ng gift, kasi kung ginawang "It's better to receive than to give." Mabuti pang wala nalang regalo, kasi walang magbibigayan.

Dito rin nagkakasaysay ang Ninong at Ninang niyo, if nga lang, bata pa kayo, buti nalang ako, pwede parin, kaya may idoy (pera) ako noong pasko. Sa mga filipino, pagpasko, dito yung time na lahat ng tao, bihis; maayos, malaswa, maganda, maikli, sexy, formal, pangpatay, barong, bahag o kaya nakahubad. Tas pupunta sa mga bahay-bahay ng ninong at ninang at manlilim- manghihingi pala ng per- pamasko. Dito christmas bonus ng mga bata, at income naman tawag kapag teenager ka.

Besides diyan, marami pang stereotyphic things na madalas sa pasko ng pinoy. Ililista ko.
  • Parol
  • Kung poor = Pancit/ Kung mayaman = Spaghetti
  • Hamon/Ham
  • Keso de Bola
  • Ilaw, as in, sobrang daming ilaw, kahit ano basta may ilaw. Na pangdedecorate
  • Isang katumbak na decoration
  • Theme na may poor family na nagdudusa during pasko
  • Theme na may rich family na nagkakatuwaan kasama ang buong ankan nagpapakataba at mamamatay makasalanan.
  • Simbang Gabi
Naalala ko tuloy ang Simbang Gabi. Ang Simbang Gabi ay ginagawa ng mga pinoy kapag "wala ng araw" ang common ay siguro mula 8 to 12, pero iba madaling araw na. Hindi ko alam bakit Gabi parin tawag nila, dapat Simbang Madaling Araw, maraming taong may common sense siguro napansin toh, ganoon lang siguro ka-ignorant mga pinoy. Isa pa doon, pormahan night lang naman ito, hindi naman talaga nakikinig ang mga teenager na umaatin, hindi nila alam kung anong tinuturo at ang purpose ng pagpunta. Pumunta lang para pumorma, mga langya.

Naging maayos naman pasko ko, tambay lang sa bahay, magpakabusog at magkaron ng pera. Hindi na ko tumatanggap ng gifts, old school na yun, at matanda na ko, kaya mas maayos pagpera, kasi alam ko na halaga ng kapangyarihan.

Monday, December 14, 2009

Fire.

So, kaninang uwian, lumabas kagad ako at hindi na hinintay kung sino man dat hintayin, at naghintay sa gilid ng daan para sa parating na jeep, pero na pansin ko walang dumadaan; blank na blank, puro mga poor na sidecar drayber at mga kotseng pang dekorasyon lang ang nasa daan. Mea-mea, narinig kong yung tunog ng sirena, hindi, hindi yung isda.

"WAAANNGG-WAAANNGG-WWAAANNGG"

Lahat ng sasakyang meh sirena ay legal na mag-speeding, at mag-drive through sa daan, kasi pag ganun, may authority ka. Ang sirena ay symbol ng authority, at pagiging mas mataas sa ibang tao, pwede mo nga silang sipain, wala silang angal, kasi alam nilang sisipain mo ulit sila.

Yung humaharurot, at mayabang, na trak ng bumbero ay mabilis na dumaan sa daan. Walang trapik kea dirediretsyo, "Tsk, hari ng daan." isip ko. Pagkatingin ko kung saan patungo yung trak eh may nakita akong itim na usok.. samin pala un. Madali akong sumakay ng jeep, hindi na ko naghintay kung matao or meh pwesto sa harap, sumakay kagad ako pauwi.

Unang pagkakita ko dun sa usok ay akala ko siguro ilang dun sa samin na hindi naman ganoonng kalapit; kabilang kanto lang pala ng bahay ko yung sunog, sobrang lapit, tapos dikit-dikit pa ung mga bahay at gawa sa kahoy. Magiging fire spree yun, sasayaw-sayaw ang mga apoy ng masaya na akala mo lahat ng holiday ay pinagsama-sama at tinawag na All Holiday Holiday habang dahang dahang sinusunog ang lahat ng sinasayawan nila. Nang nakaabot ako samin ay bumaba kagad ako kahit wala pa ako sa harap ng street namin; sa dami ng trak ng bumbero at taong mga chismoso at mga chismosa't nakaharang, struggling mga jeep, chaka nagmamadali ako.

Ang daming taong nakaharang, hindi ko alam bakit pa sila humaharang, reasonable naman kung nakaharang mga bumbero, nagtatrabaho sila, pero ang daming taong nakaharang na nakatayo lang naman, ineexpect ata nilang may masunog, mga sadista.. habang dumadaan sa street papuntang samin, nakasalubong ako ng mga taong papunta kung saan ako galing. Mga nagsisi-takas sa danger, ang dami nilang dala, upuan, damit, electric fan, kabinet, "safety box" (caha-de-oro), computer, lcd, piraso ng kahoy, printer, sabon, walet, refrigerator, kaldero, lutuan, mga laruang lutuan, mga laruang laruan, sopa, sopas, at marami pang ibang hindi ko maiilalathala kasi common items sila. Sa pag-lakad ko ay may hose akong kasunod, or "supply line" kung tawagin ng mga bumbero. Pagkarating sa pinto ay nakalabas na kagad ang silver kong susing kumikintab-kintab pa, at nakita kong nakabihis nanay ko at nakatali ang tuta naming walang hiya sa tabi pinto. Commonly kasi, ang nanay ko pag may sunog, ang mga gamit na takbo niya kagad ay bag puno ng alahas, pera, at mga iba pang related, siguro konting damit, kasi lagi niang sinasabing hindi maliligtas lahat ng bagay, bibili nalang ulit, mayaman naman. Nagpalit kagad ng damit at nag-boxers lang, pumunta ako sa kusina at kumain ng tinapay at hotdog habang nagkwento nanay ko.

Sa pagkarinig daw sa sigaw na sunog, madaling naghubo at nagbihis tatay ko at lumabas. Nanay ko kinuha mga gamit niya at dumating daw tito ko at nagsisigaw sa nanay ko na may sunog at nagtawag na daw siya ng bumbero, sabi pa nga raw niya ay sinigawan niya tito ko na tumigil siya sa pagmumukhang superhero.. Tapos parang tenor at bass, yung mga tao daw sa labas ay paiba-iba ng tinig ng sigaw. "Wala na!" "AYAN NA ANG LAKI!" "Wala na ulet!" "AY SHI- LUMALAKI" "AY TAE YAN ITIM NA USOK, ALIS ALIS!" "AAAARRRGGHHH" (accurate po itong depiction ko)

Nakakalula daw ang mga sigaw ng mga tao, at alam ko yun, kasi ang mga bunganga ng mga tao dito samin ay kakaiba, ang bulong ay sigaw, at sigaw ay pagsasalita lamang, magaabot nalang ng tabo sa banyo ay sinisigaw pa, "BOTCHOK! YUNG TABO NGA KUNIN MO SA BATCHA! TAPOS NA KONG TUMAE!" Ang pinakasimpleng salita na pagpapaalam o kaya naman pagsesermon ay nagiging competition kung sino makakasigaw ng pinakamalakas, at oo, kahit batang maliit kasama, minsan mas malakas pa nga eh.

Sa huli, nawala rin ang sunog, nagkalat ang mga chismis at pabida, at ako'y nasa kwarto natutulog. Sayang nga hindi na tuloy. Wala sana akong pasok nun.

Monday, November 9, 2009

Bored.

Aun oh, bumalik ako para lagyan ng Cbox, kahit walang kwenta naman din, sino bang gagamit niyan? Kung baga binigyan ko ng favor ang mga gagong gustong gaguhin cbox ko, gago kayo, gago.

Third quarter na, bilis lumipas ng panahon, noong umpisa ko tong ginawa eh summer pa, akala ko madalas kong makakalikot toh, hindi pala, busying busy lagi*

Hindi ako makapagpost ng mga nangyayari, mga nasasabi, nagagawa, sayang tuloy, ang dami ng nangyayari; nakapuntang Tagaytay dahil sa retreat, pumuntang Sta. Mesa para magpapalit ng gitara, may nabastos na college student sa SM Manila, nagkalat ng PH Care sa mga shopping carts ng mga tao, at mag-cheer ng isang kumakanta ng karaoke sa SM San Lazaro kahit hindi ko naman kakilala.

Kasalanan ko rin siguro bakit nagpa-pile up, tinatamad akong irecount yung nangyari, tinatamad akong mag login todits, tinatamad akong magtype, tinatamad akong pindutin yung publish post button, at tinatamad akong pindutin yung sign out.

Marami, or technically nakakakita, akong nakikitang mga taong may mga blogs, sipag na sipag silang i-recount at i-post sa mundo ng Internet ang nangyari sakanila. Pero hindi lang naman past experience, kundi opinions at kung ano pang hindi ko maisip ngayon nilalagay nila.

Blame ko rin siguro ang writer's block; kasi parang talagang may block na nakapasok sa ulo mo, sumasakit ang ulo sa pagpilit magisip ng masusulat.


*tinatamad talaga fyi